MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN (TEENAGE PREGNANCY)
MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN “Teenage Pregnancy” Ang maagang pagbubuntis ng kabataan o teenage pregnancy ay isa sa mga isyu na madalas na nangyayari ngayon sa ating lipunan lalo na sa mga kabataan. Base sa inilabas na report ng World Health Organization (WHO), dalawang pu porsyento (20%) ng mga kababaihang Pilipino ay nabubuntis sa edad pa lamang ng labing-siyam (19) anyos o pababa. Kaugnay pa nito , binubuo ng tatlong pu porsyento (30%) ang mga batang ina. Ayon naman sa pag-aaral, dito sa Pilipinas, sa isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong kababaihang may edad kinse (15) hanggang dalawampu’t apat (24) ang sexually active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, pito (7) percent ng mga kabataang sexually active ay hindi gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad mabuntis ang babae o magkaanak. Sa aking nakikita, marami na sa mga nakikita kong kabataan at kaibigan dito sa amin a...