MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN (TEENAGE PREGNANCY)

 MAAGANG PAGBUBUNTIS NG KABATAAN

“Teenage Pregnancy”



Ang maagang pagbubuntis ng kabataan o teenage pregnancy ay isa sa mga isyu na madalas na nangyayari ngayon sa ating lipunan lalo na sa mga kabataan. Base sa inilabas na report ng World Health Organization (WHO), dalawang pu porsyento (20%) ng mga kababaihang Pilipino ay nabubuntis sa edad pa lamang ng labing-siyam (19) anyos o pababa. Kaugnay pa nito , binubuo ng tatlong pu porsyento (30%) ang mga batang ina. Ayon naman sa pag-aaral, dito sa Pilipinas, sa isinagawang 1995 census, may halos 2 milyong kalalakihan at kulang-kulang na 1 milyong kababaihang may edad kinse (15) hanggang dalawampu’t apat (24) ang sexually active o aktibo na sa pakikipagtalik. Sa katunayan, ayon pa rin sa pananaliksik, pito (7) percent ng mga kabataang sexually active ay hindi gumagamit ng contraceptives o pang-kontrol para hindi kaagad mabuntis ang babae o magkaanak. Sa aking nakikita, marami na sa mga nakikita kong kabataan at kaibigan dito sa amin ay ngayon ay maagang nabuntis, kaya sila tumigil sa kanilang pag aaral at nagkaroon ng responsibilidad sa murang edad nila.


Ang teenage pregnancy ay madalas na nagsisimula dahil sa mga babae dahil karamihan sa mga babae ay nag develop o nag matured na. Isa pa sa mga matinding dahilan ng maagang pagbubuntis ay ang kuryosidad. Nang dahil sa kuryosidad nagawa nilang makipag talik sa kanyang kasintahan sapagkat gusto lamang nilang sumabay sa uso at dahil binabalot sila ng kanilang kuryosidad na malaman ang pakiramdam ng pakikipagtalik. Dahil sa maagang pagbubuntis ng mga babae sila ay natitigil sa kanilang mga pag aaral dahil kailangan nilang itaguyod ang kanilang mga anak at responsable nilang buhayin at ibigay ang bawat pangangailangan nito. Maraming mga dahilan kung bakit nabubuntis ng maaga ang mga babaeng kabataan, una ay ang pag inom ng alak, dala ng kalasingan minsan ay hindi na namamalayan ng mga kabataan ang mga ginagawa bilang aksyon, ika nga ng marami “kapag may alak, may balak”. Pangalawa ay maaaring personal na problema madalas na nagkakaroon ng problema ang mga kabataan sa kanilang pamilya kaya naman sila ay nakikipagrelasyon upang mahanap ang kaligayahan at mabigyan sila ng atensyon at pagmamahal na hindi nila nadarama sa kanilang mga magulang. Pangatlo ay ang internet o social media, dito nagkakaroon ng kaalaman ang mga kabataan tungkol sa pakikipagtalik dahil sa pornograpiyang materyal. Panghuli ay ang kakulangan sa kaalaman tungkol sa pakikipagtalik ang Sex Education na dapat itinuturo sa ating bansa ay isang pinakamalaking isyu at diskusyon. Dahil sa kakulangan sa edukasyon tungkol sa pakikipagtalik walang alam ang mga kabataan tungkol sa aksyon na kanilang ginagawa kasama ang kanilang mga kasintahan.


Dahil may posibleng dahilan ng pagbubuntis, Meron namang posibleng maging epekto ng pagbubuntis. Una ay ang Depresyon, madalas sa mga kabataan ay nakakaranas nito dahil maaaring hindi nila ginusto ang nangyari sa kanila at maaaring sila ay hindi pa handa dahil masyado pa silang bata at madami pa silang gusto gawin sa kanilang buhay. Isa sa dahilan ng aksidenteng pagbubuntis ay ang rape, ito ay ang kriminal na pakikipagtalik. Pangalawang dahilan ay ang Sex Related na sakit,  Ang sakit na may kinalaman sa napakarami pang karamdaman sa katawan ang maaaring makuha dulot ng maagang pagbubuntis gaya ng body impairments, chronic at respiratory diseases at higit sa lahat, ang sexually-transmitted disease o mas kilala sa tawag na STD. Pangatlo ay ang Pagkasira sa kinabukasan ng mga kabataan, ang teenage pregnancy ay isa sa dahilan kung bakit nahinto sa pag aaral ang mga kabataan at hinaharap ang kanilang mga responsable sa kanilang mga anak. Panghuli ay ang aborsyon dahil sa tinatawag na untimely pregnancy, nang dahil sa pagbubuntis ng maaga, nakapag-iisip na magpalaglag ang isang kabataang babae. Ang pagpapalaglag o aborsyon ay ang sinadyang pagtanggal ng embryo o fetus sa loob ng matres ng babae, na nagsasabi ng kamatayan nito.


Upang maiwasan ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis kailangan na tayo ay may sapat na kaalaman tungkol sa tinatawag na family planning contraceptives o ang paggamit ng birth control pills at condom. Dapat ring maituro sa mga kabataan ang tungkol sa sekswalidad upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman kung ano ang mga dapat gawin ng mga kabataan, mahalaga ring pagtuunan pansin ng mga magulang ang kanilang anak at huwag hayaang sila ay magkaproblema at makaramdam ng lungkot. Tayong mga kabataan ay dapat na nagpopokus muna sa ating pag aaral at hindi muna dapat makipagrelasyon upang maiwasan na mabuntis, mahalagang tayo ay makapagtapos muna sa ating pag aaral upang ng sa gayon ay tulungan natin ang ating mga magulang balang araw at masuklian ang kanilang paghihirap pagdating ng araw. Mas magandang magkaroon ng pamilya kung tayo ay nasa tamang edad na dahil tayo ay may trabaho na at may pang tustos na tayo sa pangangailangan ng ating mabubuong pamilya. Ang pakikipagtalik sa taong hindi ikinasal sa’yo ay isang kasalanan kaya dapat natin itong iwasan at tayo’y maging paalala sa mga kabataan na dapat tayo ang nagsilbing instrumento upang mabago ang ating mundo at hindi maging pabigat rito, sabi nga nila “kabataan ang pag asa ng bayan”.


Comments

  1. Mahusay binibini! Tiyak na maraming kabataan ang matutulungan ng iyong blog.

    ReplyDelete
  2. nakapahusay bb. Pascua, talagang pinagisapan mo Ang bawat detalye na iyong inilagay. Kapupulutan ng aral ang iyong ibinahagi.

    ReplyDelete
  3. Gaya nga ng sabi ni Rizal, ang kabataan ang Pag-asa ng Bayan. Kaya’t hindi ako sumasang ayon sa teenage pregnancy at maagang pagbubuntis. All in all, humahanga ako sa paggawa ng napakangandang blog na ito sapagkat ang topic ay naayos. Napakahusay at talaga ngang may matututunan ang mambabasa sa blog na ito.

    ReplyDelete
  4. Napakaganda naman ng iyong gawa, binibini. Nabigyan mo ng impormasyon ang mga kabataan, lalo na sa henerasyon ngayon na karamihan sa nagkakaroon ng karelasyon ay mga kabataan na may tiyansang makipagtalik sa kanilang kinakasama. At sa puntong iyon hindi na nila malalaman kung ano ang totoong depinisyon ng safe sex, at doon na mag uumpisa ang teenage pregnancy, o maagang pagbubuntis nila. Kaya sa iyong ginawang blog maraming aral na mapupulot ang mga kabataan. Isa lang ang masasabi ko, napakahusay mo! 👏  

    ReplyDelete
  5. Napakagaling binibini! Napahanga mo ako sa iyong ginawa, sana ay maibahagi pa ito sa nakararami dahil sa makabuluhang mensahe na dala ng iyong blog.

    ReplyDelete
  6. Napakagaling binibini! Kapupulutan ng aral ang iyong ibinahagi at tiyak na mamumulat ang mga kabataan na makakabasa nito.

    ReplyDelete
  7. Mahusay! madami akong natutunan saiyong sinulat, napaka husay mo binibini

    ReplyDelete
  8. Mahusay! Kapupulutan ng aral ang iyong ipinahayag. Dahil dito binigyan mo kami ng mahalagang aral na dapat munang isipin ang isang aksiyon bago ito gawin dahil hindi mo alam kung ano ang maaaring idulot nito sa iyong buhay.

    ReplyDelete
  9. Napakagaling binibini! nakakamangha ang mga iyong ipinahayag!

    ReplyDelete
  10. Napaka husay, maraming salamat sa impormasyon.

    ReplyDelete

Post a Comment